The Official Online Publication for the PNP Retirement and Benefits Administration Service

PNP Automated Retirement Processing System (PARPS)

Share this Article:

Sa makabagong panahon ng teknolohiya mahalaga ang digital transformation para sa progreso, binigyang diin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr ang digitalization is the call of today at ang gobyerno ay dapat yakapin ang digitalization upang makapagbigay ng mas mahusay na serbisyo sa mga tao, suportado ito ng ating Chief PNP PGEN ROMMEL FRANCISCO D MARBIL, sa pamamagitan ng pagbibigay ng prayoridad sa ICT development road map sa ating mga operasyon at serbisyo, with PARPS, ang proseso ng pagreretiro ngayon ay digitalized na at ang panahon ng mabibigat na folders ay tapos na!

Sa loob ng maraming taon, ang mga retiradong PNP personnel ay humaharap sa mabagal at matrabahong proseso ng pagreretiro gaya ng mga manwal na aplikasyon, bultong pagsusumite ng mga dokumento, walang katapusang katanungan, at mahabang oras ng pagproseso pero hindi na ngayon, ipinapakilala ang PARPS, isang rebolusyunaryong digital platform na idinisenyo upang pabilisin at pasimplehin ang proseso ng pagreretiro para sa ating mga dedikadong police officers, sa PARPS tinatanggal ang manwal, matrabahong aplikasyon at ginagawa ang lahat online para sa isang mabilis at maginhawang karanasan.

PARPS offers seemless automatic interfacing, put the personnel accounting and information system, ang mga retirement orders ay awtomatikong ina-upload na nagpapasimula ng kinakailangang mga proseso sa ibat ibang tanggapan ng PNP ang mga clearance, service records at iba pang mahalagang dokumento ay sinusuri at ina upload at tinitiyak ang pagiging totoo at lehitimo, ngayon, sa PARPS makikita natin ang malaking pagbabago sa kaginhawaan ng mga kliyente sa pagproseso ng mga retirement benefits, bawat araw ay isang pagkakataon upang lalo pang mapabuti ang aming serbisyo at parangalan ang mga nagbigay ng kanilang pinakamahusay na taon sa paglilingkod sa ating bansa, experience the future of retirement processing with PARPS, sa PRBS, ang benepisyo ng pulis, sigurado at mabilis!